• COLEGIO DE MONTALBAN
    HYMN

    Dati kang isang pangarap lamang
    kinatha't pinagkaisahan
    Sa pawis at dugo ay natayo
    Sa malasakit ng mga pinuno

    Dito hinubog ang isipan
    Para sa kinabukasan
    Pangarap na inaasam
    sa CDM naisakatuparan

    Mga pinuno at dalubguro
    Mga payo nyo at mga turo
    Dadalhin at iingatan
    Maging sa puso at isipan

    Colegio de Montalban
    Amin kang aalagaan
    Ipagmamalaki at ikararangal
    Naming mamamaya't mag-aaral

    Misyon o, Colegio
    Bisyon mong karangalan
    Dadalhin at iingatan
    Pasasalamatan mag pakailanman

    Pasasalamatan mag pakailanman